Tjzlewarqeuoln9g77yd

SUPLADONG AKLAT ni DOCTOR MUSICO (Filipino Edition)

Alamin ang 6-STEPS Technique na ginagamit ni Doc Mon del Rosario sa paglikha ng kanta. Mag-aral on-line or i-download ang E-book!

  Enroll in Course

Mag-compose ng kanta anytime sa pamamagitan ng 6-STEPS Technique na nilikha ni Doc Mon at mismong technique na ginagamit niya sa pagsusulat ng kanta. Hindi na kailangan maghintay ng INSPIRATION. May sariling schedule kasi yan! Minsan nandyan, minsan wala! Eh paano kung deadline mo na bukas? Huwag na pahirapan ang sarili! Gamitin mo ang 6-STEPS Technique at makakabuo ka ng kanta kahit kelan mo gusto. Pag-aralan ang Supladong Aklat ni Doctor Musico on-line o i-download ang E-book version para kahit off-line ka, puwede ka mag-review! Meron din section sa libro na nagku-kuwento sa mga dinaanang experyensa ni Doc Mon bilang composer mula nang nag-uumpisa pa lang siya hanggang maging isang in-demand na Film Composer na may mahigit na 300 film projects na tinapos. Sa bandang huli ng libro ay nakalista ang mga aral sa buhay na natutuhan niya! Huwag nang magpaligoy-ligoy kaibigan. Puwedeng ONE-TIME Payment or 2 MONTHS Installment! ENROLL NA!


Your Instructor


Doc Mon del Rosario
Doc Mon del Rosario

Si MON DEL ROSARIO o Doc Mon ay isang composer na makulay ang buhay. Pagkatapos niyang tapusin ang degree sa Medicina mula sa University of Sto.Thomas, siya ay sumabak sa Music at Entertainment Industry bilang isang Composer, Musical Arranger, Record Producer at Recording Artist. Siya ang lumikha ng mga classic hits na “Somewhere in My Past”, “Sino ang Baliw?”, “Tamis ng Unang Halik”, “Boy” at ang matagumpay na “Isang Linggong Pag-ibig”. Bilang isang Film Composer, siya ang naglapat ng musical score sa mahigit na 300 pelikula. Ang mga natanggap niyang awards ay ang mga sumusunod: Best Music, Manila Film Festival (1994-1996), Best Musical Score, Pista ng Pelikulang Pilipino (1992), Grand Prize Winner, 1981 Metro Pop Music Festival for Sino ang Baliw?, UST Benavidez Award for Artistic Achievement (1982), Cecille Lloyd Award for Best Country Ballad (1985) and Awit Awards for Best Country Ballad (1992). Siya ay Past-President ng Filipino Society of Composers, Authors and Publishers (FILSCAP) at ngayon ay Resident Judge na may titulong "Pambansang Suplado" sa pinaka-credible na Songwriting Competition sa bansa, ang A SONG OF PRAISE Music Festival ng UNTV. Si Doc Mon ay isa ring regular lecturer sa Mowelfund Film Institute na nagtuturo ng Musical Scoring sa mga batang film makers. Sa labas ng Music at Entertainment industries, siya ay isang Triple Licensed Financial Planning Consultant. Ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon ay mga proyekto na naglalayong makapag-turo sa mga baguhang songwriters upang mapalusog at mapatingkad ang kanilang mga talento!


Frequently Asked Questions


Ano ang mga paraan para mag-aral sa Supladong Aklat Course?
Puwede mo pag-aralan ang book on-line or i-download mo ang PDF version sa mobile device para kahit offline ka puwede ka mag-aral!
Hanggang kailan ko puwede i-view ang On-line version ng Course?
Habang panahon kaibigan! Maganda nga na mag-log in ka madalas kahit meron kang E-book sa mobile mo para makita mo ang mga bagong training content na idadagdag. Bonus na yon, wala ka nang additional na payment.
Para saan ang mga Exercises?
Praktis yon. Para malaman mo kung gaano mo natutuhan ang 6-Steps Technique na tinuro ni Doc Mon.
Kung meron ako gusto itanong, ano ang gagawin ko?
Email mo lang si Doc Mon del Rosario sa docmon@mondelrosario.com. Sasagutin niya ang concerns mo as soon as possible.
Pagkatapos ko sa Course na ito, ano ang mga iba pang training tungkol sa Songwriting?
Si Doc Mon ay magkakaroon ng regular Seminar/Webinar Workshops at One-on-one consultations. Wait ka lang sa mga announcements dito sa site at sa FB page ni Doc Mon.
Talaga bang SUPLADO si Doc Mon kaya ganoon ang title ng book niya?
Si Doc Mon ay supladong malambing at mabait sa mga kapwa niya songwriter- datihan man o baguhan! Promise!

Get started now!